Mga bangko, hinimok na palakasin ang seguridad kasunod ng kontrobersyal na hacking incident sa mga kliyente ng BDO

44

Hinimok ng IT expert ang mga banking company na palakasin pa ang kanilang seguridad kaugnay sa nangyaring hacking incident sa BDO Unibank.

Matatandaang ilang depositors ng BDO ang nawalan ng libu-libong piso matapos ang hindi otorisadong money transfer sa isang alyas “Mark Nagoyo”.

Sa interview ng RMN Manila sa IT expert na si Jerry Liao, sinabi nito na dapat regular na i-check ng mga kumpanya ang kanilang security system laban sa mga hacker.


Nagbabala rin si Liao na pinupuntirya na rin ng mga hacker ang ibang industriya na gumagamit ng kaparehas na teknolohiya.

Facebook Comments