MGA BARANGAY OFFICIALS AT TANOD SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, MAARI NANG MANGHULI NG LUMALABAG SA BATAS

Awtorisado nang manghuli at magpatupad ng mga ordinansa ng lungsod ang mga barangay officials at tanod sa San Fernando City, La Union.
Sa bisa ng City Ordinance No. 2024-38, maaari nang mag-isyu ng citation tickets ang mga opisyal sa mga mahuhuling lumalabag sa mga ordinansa.Sasailalim pa sa kaukulang training ang mga ito bilang paghahanda. Layunin nitong matutukan ang pagsunod ng mga residente sa mga city ordinance mula sa mga pinakamaliit na sektor sa mga barangay.

Nakapaloob din sa ordinansa ang 25% incentives ng mga enforcers mula sa mga multa, 25% sa barangay at 50% sa Pamahalaang Panlungsod. Kaugnay nito, nagbabala ang Sangguniang Panlungsod na haharap sa karampatang parusa ang mga enforcers na mapapatunayang nang-aabuso sa kanilang katungkulan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments