Mga baril at granada, nasabat ng CIDG sa kanilang Oplan Paglalansag Omega

Sa loob lamang ng 24 oras, nakasamsam ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 17 loose firearms, apat na granada at nadakip ang 13 katao sa pinaigting na operasyon kontra mga pribadong armadong grupo at iligal na armas.

Isinagawa ang naturang operasyon nitong April 7, 2025 bilang bahagi ng kanilang Oplan Paglalansag Omega.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, dahil sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad, naagapan ang posibleng paggamit ng mga armas sa karahasan lalo na ngayong nalalapit na ang 2025 Midterm Elections.

Kinasuhan ang mga suspek sa ilalim ng Republic Act 10591 at BP 881, kaugnay ng umiiral na election gun ban.

Facebook Comments