
CAUAYAN CITY – Namahagi ng mga bag, school supplies, at tsinelas si Mayor Venus T. Bautista sa mga batang miyembro ng Aeta Community sa Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ay ang mga batang nag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 12. Sinigurado umano ng kanyang opisina na mabigyan ang bawat batang nangangailangan upang masigurong may maayos silang kagamitan sa pagpasok sa eskwela.
Layunin ng programang ito na mas palakasin ang suporta sa edukasyon ng mga batang Aeta, lalo na’t marami sa kanila ang nahihirapan sa kakulangan ng gamit sa pag-aaral. Umaasa si Mayor Bautista na makatutulong ito upang mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programang pangserbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga katutubo.