Mga batang bakwit sa bakbakan sa Marawi City – tinamaan na ng diarrhea; walo – patay

140

Marawi City – Patay ang walong bata dahil sa diarrhea sa Marawi City.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development – ang mga bata ay kabilang sa libu-libong residente na apektado ng anim na linggo nang bakbakan ng tropa ng militar at teroristang Maute.

Bukod rito, tinatayang 2,500 displaced residents ang nakakaranas ng trauma dahil sa bakbakan.


Batay sa tala ng DSWD – kabuuang 2,666 pamilya na o 11,774 indibidwal ang patuloy na nananatili sa 40 na evacuation centers.

Facebook Comments