Mga batang lansangan, pinagdadampot sa Maynila

Manila, Philippines – Nagsagawa ng operation ang mga kagawad Manila Social Workers ng rescue operation sa mga batang lansangan na pagalagala sa kalye sa area ng San Lorenzo Ruiz Plaza Binondo, Blumentritt market, Railways Antipolo street at Severino street Sta. Cruz, Muelle dela Industriya Delpan ay Recto Isetan at LRT.

Ayon kay Manila PIO Spokesman Bambi Purisima, layon ng rescue operation upang matigil na ang ginagawang panghihingi ng mga kabataan sa lahat ng mga dumadaan sa lugar.

Paliwanag ni Purisima, tuloy-tuloy ang gagawing rescue operation ng Manila City Government sa mga batang lansangan upang maiwasan na maraming mga nabibiktima ng mga snatching, pandurukot, at iba pang mga maliliit na krimen na kinasasangkutan ng mga rugby boys.


Dadalhin umano sa tanggapan ng DSWD ang mga menor de edad na mga kabataan na kanilang nare-rescue upang hindi na makapaminsala sa mga dumadaan sa naturang mga lugar.

Facebook Comments