Mga batang naglalaro, hinagisan ng pugot na ulo ng babae mula 12th floor ng isang apartment

2314
(Image: east2west news)

Labis ang takot ng mga batang naglalaro nang hagisan sila ng duguang damit at pugot na ulo ng isang babae mula ika-12 palapag ng isang apartment sa isang lungsod sa Russia.

Batay sa report, naglalaro umano sa labas ng apartment ang naturang kabataan nang unang hinagis mula balkonahe ng isang mas mataas na palapag ang duguang piraso ng damit.


Sunod raw na inihagis ang ilang piraso ng katawan kasama na ang pugot na ulo ng isang tao.

Sabi ni Igor Shalev, 15, isa sa nakakita, “It was me and my friends who found the body parts. It was very scary. First the clothes were thrown out all covered in blood and then the head. Very scary.”

Natagpuan raw ang ilan pang bahagi ng katawan ng biktima sa bubong ng nasabing apartment.

Ayon sa ulat, kinilala ang nagmamay-ari ng mga damit at ng ilang piraso ng katawan na si Elizaveta, 19, sinasabing nagtatrabaho sa isang strip club.

Kwento ng isang kaibigan nito, lumaki raw sa ampunan si Elizaveta at wala umanong pera para sa burol nito at pagpapalibing.

Pahayag naman ng isang Russian Investigative Committee, “Investigators are inspecting the scene and interrogating residents of the apartment block with the participation of forensic investigators.”

Napag-alamang ang nobyo ng biktima ang suspek na agad naman umanong inaresto.

Facebook Comments

From Advertisers