MGA BAYBAYIN SA LA UNION, PATULOY NA DINADAGSA

Nakitaan ng mataas na porsyento ng mga kabataan mula sa Metro Manila ang patuloy na pagdagsa ng mga ito sa baybayin ng La Union.
Lumabas sa isang visitor experience survey na sa kabuuang 67% ng mga bumisita, 22% ang middle-aged, 8% ang adult at 3% ang senior citizens na kadalasang nagpupunta upang malibang.
Sa kabuuan, highly satisfied ang mga turista dahil sa mga maayos na tanawin at travel options upang madaling mapuntahan ang lugar.

Kaugnay nito, kabilang sa mga hakbang upang mapangalagaan ang mga pook pasyalan sa lalawigan ang paniningil ng environmental fees sa mga turista upang mapanatili ang kaayusan sa mga pasilidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments