Mga beauty queen na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves, magsasagawa ng online training sa 2020 Binibining Pilipinas candidates

Magkakaroon ng online training at classes sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves sa 40 candidates ng Binibining Pilipinas pageant ngayon taon.

Say ni Nicole, matagal na nilang napag-usapan ang mentorship program kung saan siya rin ang nag-train kay Catriona para maiuwi ang korona.

Nais ng dalawa na magkaroon ng general self-confidence ang mga kandidata, mag-excel pa sa communication at higit sa lahat ay ma-realize nila ang kanilang sariling style.


Sa ngayon, naghahanda na raw si Nicole at Catriona ng mga material na gagamitin nila sa pagtuturo sa mga aspiring candidates.

Facebook Comments