Mga bigtime drug pusher, isusunod na ni PRRD

“Isusunod ko na kayo.”

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga “big time” drug pushers.

Sa kaniyang speech sa birthday celebration ni Atty. Francis Tolentino, sinabi ni Duterte na uubusin niya ang mga big time drug pushers sa nalalabi nitong tatlong taon bilang Pangulo ng bansa.


Wala din daw pakialam ang Pangulong Duterte kahit pa manghimasok ang human rights basta at ang importante ay napigilan na ang mga ito.

Pero aminado naman ang Pangulo na talaga mahihirapan siya na sugpuin ang iligal na droga sa Pilipinas lalo na at sangkot dito ang ilang mga heneral at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Facebook Comments