Mga bigtime lords sa bilibid, ipinapatapon sa West Phil Sea

222

Inirerekomenda ni ACT CIS Rep. Niña Taduran na ipatapon sa isang isla sa West Philippine Sea ang mga big time lords na nakakulong sa New Bilibid Prison.

 

Ayon kay Taduran, kung sa isang isla sa West Philippine Sea dadalhin ang mga drug lord hindi na mangangailangan ng karagdagang bantay dahil andon naman ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.


 

Magandang lugar din ito para sa kulungan dahil walang signal ng cellphone, walang bantay na maaring suhulan at walang paraan upang makatakas.

 

Makatutulong din anya ang paglalagay sa mga drug convicts sa West Philippine Sea upang igiit ang soberenya ng bansa sa lugar.

 

Iminungkahi rin ni Taduran na ilipat ang iba pang bilanggo sa New Bilibid Prison sa iba pang penal colonies ng bansa at paupahan ang NBP sa pribadong sektor at ang kikitain ay gagamiting pampondo sa build, build, build program ng pamahalaan.

Facebook Comments

From Advertisers