Mga bilangguan sa bansa, inilagay sa alert status kasunod ng Bilibid riot

44

Inilagay ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lahat ng prisons at penal farms sa buong bansa sa alert status matapos ang naganap na riot sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kung saan siyam na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang namatay.

Sa statement ng BuCor, inilagay sa mataas na alerto ang security post ng lahat ng kampo kasunod ng insidente.

Pagtitiyak ng BuCor na balik na sa normal na operasyon ang NBP at nananatiling kontrolado ang sitwasyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung sinu-sino ang dawit sa insidente.

Facebook Comments