Mga biyahe ng LRT Line 1, limitado lamang dahil sa aberya sa mga tren

Agad humingi ng paumanhin ang Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) dahil sa limitadong biyahe ng mga ito ngayong umaga mula Gil Puyat Station sa Pasay City hanggang Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City at vise versa.

Ayon sa pamunuan ng LRT-1, mayroong electrical fault na napaulat sa pagitan ng Redemptorist-Aseana Station at Baclaran Station sa Parañaque City.

Sa ngayon, nasa lugar na ang engineering team ng kumpanya para tugunan ang naturang problema.

Agad namang inabisuhan ng pamunuan ng LRT-1 ang mga commuters na tumatangkilik sa linya ng tren na planuhin na ang kanilang biyahe maghapon para makaiwas sa abala.

Facebook Comments