Mga Board Members ng ng PhilHealth dalawa lang ang pagpipilian ayon kay Senator Elect Bong Go

Sibak o magbitiw, ito nalang ang dalawang pagpipilian ng mga Board Members at Presidente ng PhilHealth sa harap ng anomalyang kinakaharap ng ahensiya kaugnay sa ghost dialysis claims.

Ayon kay Senator Elect Bong Go, pinagsusumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng resignation letter ang Presidente ng PhilHealth na si OIC Dr. Roy Ferrer at mga Board Members ng PhilHealth at kung hindi magbibigay ng resignation letter ay sisibakin ang mga ito.

Sinabi ni Go na makakapulong ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Philhealth dito sa Malacanang at agad niyang ibibigay ang magiging resulta ng pulong na ito ng Pangulo.


Command responsibility aniya ang nakikita ng Pangulo dito dahil pinabayaan ng mga ito ang PhilHealth kaya nakalusot ang ganitong uri ng katiwalian.

Sinabi din ni Go na gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng malawakang revamp o balasahan sa mga opisyal ng PhilHealth upang hindi na maulit ang nasabing anomalya kung saan ay nalulustay ang pera ng taumbayan.

Nanawagan naman si Go sa publiko na agad na ipagbigay alam sa pamahalaan kung mayroong makikitang anomalya o katiwalian sa Gobyerno.

Facebook Comments