MGA BRO SCHOLARS SA CAUAYAN CITY, NATANGGAP NA ANG KANILANG ALLOWANCE

Cauayan City, Isabela- Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng BRO scholarship allowance na pinangunahan ng Provincial Government of Isabela sa FLDY Coliseum sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa iba’t-ibang paaralan sa Lungsod ng Cauayan.

Bago makapasok sa loob ng Coleseum ang mga estudyante ay kailangan muna nilang magpakita ng vaccination card bago sila bibigyan ng form na kanilang pipirmahan at ipapakita sa pagkuha ng kanilang allowance.

Maliban sa pera na kanilang natanggap ay binigyan din sila ng bigas, at maging ang mga naka-enrol sa graduate at Law school ay kasama rin sa naturang programa.

Naging masaya naman ang mga estudyante sa kanilang natanggap na allowance na malaking tulong para sa kanilang pang-araw araw na gastusin .

Facebook Comments