Mas dumami pa umano ang mga bumabyaheng sasakyan sa lungsod ng Dagupan sa muling pagbubukas ng klase noong lunes, ayon sa Public Order and Safety Office Dagupan City.
Dahil dito, nagdagdag ng road signages at traffic cones ang mga kawani ng POSO upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kakalsadahan partikular sa mga bahaging ongoing ang konstruksyon.
Sa datos, aabot umano sa 70% ang volume ng mga sasakyan na karamihan ay mga tricycle na naghahatid o magsusundo sa mga estudyante.
Nagdagdag na rin naman umano ang POSO ng mga kawani nito na nagbabantay sa mga paaralan.
Patuloy na nakahanda ang tanggapan katuwang ang iba pang ahensya sa inaasahang pagdami pa ng mga sasakyan sa pagbubukas ng pasukan sa ilang institusyon sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments