Mga bus terminal sa Pasay, iinspeksyunin bilang paghahanda sa Semana Santa

Nakatakdang inspeksyunin ng Pasay City Police ang iba’t-ibang bus terminal at paliparan sa lungsod ilang araw bago ang Semana Santa.

Ayon kay Pasay Police Chief Colonel Bernard Yang, mag-iikot sila sa mga bus terminal at apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport sa Huwebes, April 11 hanggang Linggo, para sa seguridad ng mga pasahero.

Aniya, mahigit 240 pulis ang ide-deploy sa lungsod maliban pa sa mga barangay peace keeping action team.


Sabi pa ni Yang, tututukan rin nila ang LRT, mga simbahan at iba pang matataong lugar.

Facebook Comments