Handa na ang mga canvassing centers sa Ilocos Region, ilang linggo bago sumapit ang halalan sa May 12, 2025.
Ayon kay acting COMELEC Region 1 Director, Atty. Reddy Balarbar, ininstall na umano sa lahat ng canvassing centers ang mga transmission modem gadget na gagamitin sa mismong araw ng halalan.
Ang naturang transmission modem gadget ay iaactivate mula alas dose hanggang ala una ng hapon sa mismong araw ng halalan.
Diumano, karaniwang ginagamit na canvassing centers ang mga sangguniang bayan, sangguniang panlungsod at sangguniang panlungsod.
Samantala, siniguro rin ng komisyon na may contingency plans sila sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari.
Samantala, sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Supervisor Atty. Eric Oganiza, wala pa naman umano sa kasaysayan ng eleksyon sa lalawigan na pumalya ang mga transmission lines. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨