Mga chop chop na motorsiklo naharang sa checkpoint

21

Naharang ng CCI Detachment kamakalawa ng gabi ang isang Kia Bongo na punong-puno ng mga chop chop na motorsiklo na diumanoy galing pa sa cebu city…Nagduda kaagad ang mga pulis at sundalong nakabantay sa kanilang nakita na mahigit sa dalawampung unit na chop chop na motorsiklo nab aka mga carnap ito, kung kayat kanila itong pinigil at tinurn-over sa PP1 ni PCI Reynaldo Delanten.
Agad na nakipag ugnayan sa HPG at LTO si Delanten kayat Buong araw kahapon ay pinoproseso ng LTO at highway patrol group ang mga chop chop na single motorcycle kanilang tinitignan ang mga engine at chasis number at kung mga carnapped vehicle ba ang naturang mga motor.
Isa sa mga may-ari ng naturang mga chop chop na motorsiklo na si Abdulmaguid sinabi nito na, binili umano nila ang naturang mga motorsiklo na mga naremate na o reposess mula sa cebu at dumaan sila sa Dapitan na patungo sana ng Dapiawan datu audi maguindanao ng pagdaan sa checkpoint papasok ng lungsod ay silay nahold dahil sa kargang mga chop chop na motor..Inaasahang mamaya ay matapos na ang verification ng HPG sa motor.

Facebook Comments