
Sinimulan na ang renovation ng mga silid aralan ng Pulong Sampaloc Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng 51st Engineer Brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 356th Expeditionary Civil Engineer Group ng U.S. Air Force, sinimulan ang pagsasaayos ng mga classroom bilang bahagi ng Humanitarian and Civic Assistance program.
Layon ng proyekto na pagandahin ang pasilidad ng paaralan at mapabuti ang karanasan sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ayon sa AFP, simbolo ito ng matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos, hindi lang sa seguridad kundi pati sa serbisyo para sa komunidad.
Facebook Comments