Mga contractual employees ng DAR, makatanggap pa rin ng sahod kahit walang trabaho dahil sa ECQ

Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makatatanggap pa rin ng kumpensasyon ang kanilang mga contractual staff na walang trabaho habang nasa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pinawi ni DAR Secretary John Castriciones ang pangamba ng mga nasa kategorya ng contracts of service na hindi na sila makatatanggap ng sahod ngayong tigil muna ang trabaho dahil sa COVID-19.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, isinabay na niya sa mga regular employees ang pagproseso ng payroll.


Mayroong 493 contractual employees ang ahensya.

Sa ngayon, aniya, ay makatitiyak ang mga contractual employees na may magamit sila sa pang-araw araw na pangangailangan.

Tuloy pa rin ang operasyon sa DAR at natutugunan ang mga isyu at problema ng mga farmer-beneficiaries at mga landowners.

Facebook Comments