Isinusulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Nicolas ang ligtas na pamamasyal sa dinarayong Puyao Picnic Ground sa pagsasagawa ng first aid ,water rescue at basic life support training sa mga cottage owners.
Kabuuang 180 cottage owners ang sumailalim sa pagsasanay upang maging first responders sa posibleng aksidente sa pasyalan tulad ng pagkalunod.
Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga cottage owners sa posibleng pagdagsa ng mga turista tuwing holidays at weekends.
Pabor naman ang mga benepisyaryo sa pagsasanay dahil maaari umano silang makapagligtas habang naghahanap buhay.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments