MGA CREEK SA TAYUG SINIMULAN NG LINISAN

Bilang paghahanda sa tag-ulan, sinimulan ng linisan ang mga creek o sapa sa bayan ng Tayug.
Ito ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan.
Ayon sa ahensya tumambad sakanila ang napakaraming basura na siyang dahilan ng pag-apaw nito tuwing umuulan.

Dahil dito nanawagan ang ahensya sa mga residente na malapit sa sapa na itapon sa tamang tapunan at huwag itambak lahat ng basura sa ilog dahil maaari ding makakuha ng sakit dito.
Samantala, magpapatuloy ang ahensyang libutin ang iba pang mga sapa sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments