Mga customer ng Maynilad sa Caloocan, Malabon, Navotas at Tondo, Maynila, mawawalan ng tubig

90

13 oras na makakaranas ng water service interruption ang mga customer ng Maynilad sa Caloocan, Malabon, Navotas at Tondo, Maynila.

Kaugnay ito ng leak repair activity ng Maynilad sa kahabaan ng C3 kanto ng Dagat-Dagatan sa Caloocan City.


Sa abiso, mararanasan ang interruption mula alas-4:00 ng hapon bukas, January 13 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Martes, January 14 sa mga sumusunod na lugar:

  • Caloocan City: Barangays 12, 14, 20, 28, 31 at 35
  • Malabon City: Barangays Longos and 31
  • Navotas City: Barangays Bangkulasi, North Bay Boulevard, San Rafael
  • Tondo, Maynila: Barangays 124-127, 129-146 at 177

Humingi naman ng paumahin ang Maynilad sa abalang idudulot ng water service interruption.

Facebook Comments