Mga dawit sa pagbuo ng kwestyunableng water concession agreement, papangalanan ni PRRD

1638

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papangalanan ang mga taong dawit sa pagbuo ng kwestyunableng 1997 Concession Agreement sa Maynilad at Manila Water.


Sa kanyang talumpati sa 120th Anniversary ng Baptist Churches, sinabi ng Pangulo na ang nasabing kasunduan ay naglalaman ng mga probisyong labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Dagdag pa ng Pangulo – dapat malaman ng publiko kung sinu-sino ang mga sangkot.

Ang kontrata ng gobyerno sa water concessionaires ay nakatakdang mapaso sa 2022 matapos kanselahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang extension ng kasunduan na magtatagal hanggang 2037.

Facebook Comments