Mga dayuhang sex offenders, ikinukunsidera na seryosong banta sa mga Pinoy

Manila, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na lalo pa silang maghihigpit sa pagpasok sa bansa ng foreign sex offenders.

Ayon sa BI, nanganganib ang mga bata at mga kababaihang Pilipino kapag pinapasok sa bansa ang mga dayuhang convicted sa sex crimes sa kanilang mga bansa.

Sa nakalipas na taon, 145 foreign sex offenders ang hinarang ng immigration officers sa mga airport.


Agad silang pinabalik sa first available flight pabalik ng kanilang bansa.

Facebook Comments