Mga deboto, dumagsa sa Baclaran Church sa unang Miyerkules ng pagpapairal ng Alert Level 3

32

Dumagsa ang mga deboto na nagsisimba sa Baclaran Church ngayong unang Miyerkules sa ilalim ng Alert Level 3.

Pinapayagan na ang 30% maximum indoor capacity sa loob ng simbahan pero eksklusibo lamang ito sa fully vaccinated.

Habang ipinatutupad naman ang 50% capacity sa outdoor o sa labas ng simbahan.


Nagpakalat ng mga marshall ang nangangasiwa ng Baclaran Church para isa-isang iinspeksyunin ang vaccination card ng mga pumapasok.

Trabaho rin ng mga marshall na bantayan kung nasusunod ang social distancing at ang pagsusuot ng facemask.

Katuwang naman ng simbahan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng daloy ng trapiko at sa kaayusan ng vendors sa labas ng gate ng Baclaran Church.



Facebook Comments