Mga ‘di napapasalamatang Pilipino na nasawi sa Martial Law, dapat ding alalahanin – VP Leni Robredo

85

Nagpaabot din ng mensahe si Vice President Leni Robredo kaugnay ng 36th death anniversary ni dating Senador Benigno Aquino.

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang sambayanang Pilipino na alalahanin din ang mga iba pang hindi napapasalamatan na mga Pilipino na brutal ding napatay sa panahon ng martial law sa ilalim ng Marcos regime.


Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Robredo na hindi lamang si Ninoy ang nag-alay ng mataas na antas ng sakripisyo para sa bayan.

Libo-libong Pilipino rin ang nawalay sa pamilya, nabilanggo, pinahirapan, ang hindi nababanggit ang pangalan sa libro ng kasaysayan ang kanilang pagmartir.

Aniya, magsilbing paalala ang okasyon ngayon para mapanatiling buhay ang diwa ng pagsasakripisyo alang-alang sa  pagtatanggol ng hustisya at sa karapatan sa buhay.

Facebook Comments

From Advertisers