Mga dine-in restaurant, salon at gym, muling isasara sa ilalim ng MECQ

Muling isasara ang mga negosyong pinayagang magbukas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa abiso ng Department of Trade and Industry (DTI), may 15 araw ang mga isasarang negosyo na ihanda ang kanilang mga pasilidad para makasunod sa health standards oras na payagan na ulit silang magbukas.

Kabilang sa mga sektor na hindi pinapayagang magsagawa ng physical business sa ilalim ng MECQ ay ang:


  • Barbershops at salons
  • Gyms/fitness studios at sports facilities
  • Testing and tutorial centers
  • Review centers
  • Internet cafes
  • Drive-in cinemas
  • Pet grooming services
  • Language, driving, dance/acting/voice schools
  • Entertainment industries (traditional cinemas, theaters)
  • Libraries, archives, museums at cultural centers
Facebook Comments