Mga Doctor, Nurse at iba pang Health Workers na nag-alaga sa mga COVID-19 patients sa NMMC, ligtas na sa Coronavirus

Ligtas na sa Coronavirus ang 40 doctor, nurse at iba pang health workers na nag-alaga sa mga COVID-19 patient ng Northern Mindanao Medical Center.

Ito ang inanunsyo ni Dr. Jose Chan, Medical director ng NMMC.

Ayun kay Chan, kahit ang tatlong huling Covid-19 patient na na-admit sa NMMC ay nagpakita na ng recovery sa naturang virus.


Sinabi pa ni Dr. Chan na kasalukuyan pa rin nilang isinasailalim sa Quarantine ang NMMC habang hinihintay pa nila ang resulta sa second round test laboratory sa naturang mga pasyente.

Facebook Comments