Mga donasyon sa mga biktima ng lindol, dadalhin na ng DZXL  sa Mindanao

46

Marami ang tumugon sa panawagan ng DZXL sa mga kababayan natin bukas palad na handang tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

 

Ayon kay Amelia Salonga 68 anyos residente ng B Tatko Barangay Bagong Ilog Pasig City napakinggan  niya sa Unang Radyo Unang Balita nina Ramcy Tirona at Jane Martin na nanawagan ng tulong sa nais na makapag donate sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.


 

Paliwanag ni Salonga araw araw siyang nakikinig sa DZXL  kayat ng manawagan ang DZXL sa mga nais  na tumulong at bukas palad sa mga biktima ng lindol sa Mindanao hindi na agad siyang nagpatumpik tumpik pa at nagbigay agad ng 4 sako ng mga damit upang mapakinabangan ng mga kababayan natin na nabiktima ng lindol.

 

Tuloy tuloy ang pagtanggap ng DZXL sa nais na magbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers