Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office Region 1 sa ilang driving schools sa Pangasinan.
Isinagawa ito upang masigurong naipapatupad ang mga regulasyon na itinakda ng ahensya upang makapag renew ng kanilang accreditation.
Maliban sa driving schools ininspeksyon rin ang ilang medical clinics.
Nasa labing isang medical clinics at tatlong driving school ang sumailalim sa inspeksyon sa lalawigan.
Patuloy ang pag-iikot ng tanggapan sa iba pang accredited establishments sa Ilocos Region upang matiyak ang road safety sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments