Mga ebidensya, patuloy na dumadagsa sa NBI kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa Wellmed ghost dialysis scandal

142

Inamin ng National Bureau of Investigation o NBI na nananatiling hamon sa kanila ang imbestigasyon sa kontrobersyal na “ghost dialysis claims” na kinasasangkutan ng Philhealth.

 

Nauna nang nabulgar na pinepeke ng Wellmed Dialysis Center ang mga pirma ng kanilang mga pasyente para maka-kubra ng claims sa Philhealth.


 

Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na sa katunayan, patuloy na may naisasampang reklamo ang NBI.

 

Gayunman, sadyang marami ang documentation at mga pumapasok na ebidensya na kinakailangan muna nilang i-verify

 

Idinagdag ni Lavin na bukod sa isyu ng Philhealth, puspusan din ang pag-iimbestiga ng NBI sa kaso ng katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at multi-bilyong piso investment scam na kinasasangkutan ng Kapa.

Facebook Comments

From Advertisers