Mga ebidensyang inilabas ni Sen. Antonio Trillanes laban kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, handang tanggapin ng PNP

Bukas (open) ang Philippine National Police na isama sa kanilang imbestigasyon ang inilabas ngayon ni Sen. Antonio Trillanes na ebidensya para pasinungalingan ang mga pahayag ni Peter Joemel Advincula.

Ongoing ang validation ngayon ng PNP sa mga ibinulgar ni Advincula, kabilang ang pagdawit nito kay Pangulong Duterte at ang kanyang pamilya sa iligal na droga, maging ang pagbaliktad nito sa unang niyang inihayag upang idinin si Trillanes at ang Liberal Party sa planong Ouster Plot sa Duterte Administration.

Ayon kay PNP Spokesman Police Coronel Bernard Banac, under validation pa ang mga naging pahayag ni Advincula upang malaman kung siya ba ay magiging witness o suspek.


Kaya naman, handa aniya silang tanggapin ang lahat ng mga panibagong ebidensya na pwedeng makatulong sa imbestigasyon kay Bikoy.

Sa Presscon kaninang umaga, ipinakita ni Trillanes sa media ang ilang palitan ng text message nina Advincula at ilang pari na kumupkop sa kanya at video na nagpapatunayan na hindi scripted ang lahat ng pahayag ni Bikoy.

Facebook Comments