Mga electric cooperatives, ipagagamit ang kanilang pasilidad sa mga COVID-19 vaccination areas

21

Inialok ngayon ng mga electric cooperatives ang kanilang mga pasilidad para sa gagawing COVID-19 mass vaccination.

Layon ng Association of Philippine Electric Cooperatives na makatulong sa pambansang pamahalaan at sa mga Local Government Unit (LGU) na maayos na makapag-roll out ng kanilang COVID-19 vaccination plans.


Nagpahayag na ng kahadandaan ang aabot sa 121 na electric cooperatives sa buong bansa na ipagamit ang malawak na espasyo ng kanilang mga gymnasium at multi-purpose hall para sa COVID-19 vaccine roll out.

Nauna na ring naglunsad ang APEC ng ‘Pantawid Liwanag’ program bilang ayuda sa kanilang mga lifeline member-consumer-owners.

Nasa tatlong milyong power consumers sa mga rural and remote communities ang nagbenepisyo sa naturang ayuda.

Facebook Comments