Mga empleyado ng Comelec, nalulungkot sa pagbibitiw ni Comelec Chairman Andres Bautista

54

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng kampo ni Patricia Bautista asawa ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pagbibitiw sa tungkulin ng Comelec Chairman.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan abogado ni Patricia welcome development ang ginawang pagbibitiw ni Bautista dahil wala na siyang Immunity at maaari ng sampahan ng kasong Impeachment.

Hindi rin sila naniniwalang dahil sa pamilya kaya siya nagbitiw dahil matagal ng hindi umanonh nagbibigay ng sustento sa kanyang anak ang Comelec Chairman kayat hindi sila naniniwala na dahil lamang sa pamilya kaya siya nagbitiw sa pwesto.

Nalulungkot naman ang karamihang mga kawani ng Comelec dahil malaking kawalan umano sa kanila ang pagkawala ni Bautista sa kanilang ahensiya.

Facebook Comments