Mga empleyado ng isang kumpaniya sa India, nagsusuot ng helmet

19

Nakasuot ng helmet habang nagtatrabaho ang lahat ng empleyado ng isang ahensya ng gobyerno sa Bihar, India.

Ito ay dahil sa takot na mabagsakan ng hindi magandang kondisyon ng kanilang gusali.

Maging ang mga bumibisita sa East Champaran District ay pinagsusuot rin ng helmet.

Sira-sira na kasi ang gusali kung nasaan ang nasabing tanggapan kaya unti-unti nang gumuguho ito.

Maliban naman sa mga bitak, nagiging proteksyon rin ng mga empleyado ang helmet sa tulo ng ulan sa kanilang bubong.

Facebook Comments