Mga empleyado sa Kamara na nagkasakit ng COVID-19, 83 na 

42

Umakyat na sa 83 ang bilang ng mga empleyado sa Kamara na nagpositibo sa sakit na COVID-19. 

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang latest sa mga kumpirmadong kaso ay empleyado mula sa Medical at Dental Service ng House of Representatives.  

Huli aniya itong pumasok noong September 14 hanggang 18, 2020. 

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng contact tracing sa Mababang Kapulungan.  

Aabot naman sa 13 ang active cases ng COVID-19 sa Kamara.  

Samantala, karamihan naman ng mga empleyadong naitalang kumpirmadong kaso ngayon ng COVID-19 ay nakuha ang impeksyon sa labas ng Batasan Complex. 

Facebook Comments