Mga empleyadong pumapasok sa trabaho, bahagi ng A4 – Dizon

23

Nilinaw ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na ang lahat ng empleyadong lumalabas para pumasok sa kanilang trabaho ay bahagi ng A4 priority group.

Pinuri ni Dizon ang expansion ng priority vaccination sa essential economic workers o mga kabilang sa A4 category.


Aniya, ang mga manggagawa ang araw-araw na nakikipagsapalaran sa labas at mas expose sa COVID-19.

Iginiit ni Dizon na mahalagang maprotektahan ang mga manggagawa lalo na at umuuwi rin sila sa kanilang mga pamilya.

Una nang sinabi ng NTF na nasa 35.5 million individuals ang target na mabakunahan sa ilalim ng A4 category na hahatiin sa dalawang bahagi: ang pagbabakuna sa NCR plus 8 areas; at iba pang lalawigan sa bansa.

Facebook Comments