Mga employer, may karapatang tanggihan ang mga aplikanteng hindi pa bakunado kontra COVID-19

63

Karapatan ng mga employer na tanggihan ang mga aplikanteng naghahanap ng trabaho kung hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Sinabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng diskusyon kung bibigyan ng insentibo ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 sa kabila pagganda na ng suplay ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, desisyon na ito ng employer kung nais na maging ligtas ang mga empleyado laban sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.


Ipinapakita lamang kasi nito ang pagprotekta sa pag-aari, puhunan at negosyo.

Sa ngayon, pinag-uusapan pa ng pamahalaan kung gagawing mandatory ang pagbabakuna sa lahat para maabot ang target na herd immunity bago ang katapusan ng taon.

Facebook Comments