Mga establisyemento gumagamit ng Pasig Pass pinasasalamatan ng alkalde ng Pasig City

57

Nagpaabot ng pasasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga establisyemento na gumagamit ng Pasig Pass ang digital contact tracing solution ng lungsod.

Ayon kay Sotto, nauna nang nagpatupad nito ang SM Hypermarket at SM East Ortigas.


Paliwanag ng alkalde na sa pamamagitan ng Pasig Pass ay mas mapapabilis at ligtas ang data ng magrerehistro kaya’t goodbye to filling out contact tracing form na sa Pasig.

Hinikayat din ni Sotto ang mga Pasigueño na bisitahin lamang ang website na pasigpass.pasig.gov.ph upang makapag download ng QR code.

Matatandaan na nitong Oktubre lamang, ipinatupad ang paggamit ng Pasig Pass para makapasok sa City Hall at iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Facebook Comments