
Mahigpit ang isinasagawang monitoring ng Department of Trade and Industry Pangasinan sa mga establisyimento sa lalawigan upang masiguro ang tumatalima ang mga ito sa mga pamantayan na ibinaba ng ahensya.
Ayon kay DTI Pangasinan Provincial Director Natial Dalaten, nasa 465 firms ang kanilang nabisita upang tingnan ang mga produkto ng mga ito at kung sumusunod sa patakaran at pamantayan ng tanggapan.
Dalawang establisyemento ang naisyuhan ng notice of violation kung saan lumabag sa Standards law.
Naisyuhan rin umano ang mga ito ng formal charge. Posibleng mapatawan ang mga ito ng hanggang sa 300,000 pesos na halaga sa oras na mapatunayang lumabag ang mga ito sa Standards Law ng DTI.
Bagamat hindi umano sapat ang tauhan ng tanggapan para sa pag-iikot at pagmomonitor ng mga establisyimento ay may mga enforcement team ang mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨