Kaniya-kaniyang diskarte na ang ginagawa ng mga estudyante sa Dagupan City upang makibagay sa matinding init na nararanasan bunsod ng El Niño.
Ayon sa ulat ng DOST-PAGASA, nananatili ang strong to very strong El Niño sa Tropical Pacific. Inaasahang magpapatuloy ito hanggang sa unang quarter ng 2027, habang posibleng maramdaman ang mga epekto nito hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon.
Ilan sa mga paraan ng mga estudyante upang maibsan ang init ay ang pagsusuot ng mga damit na may light colors at ang madalas na pag-inom ng tubig.
Isa na rito si Alyza Joy Siapno, na aminadong isa sa mga pinakamalaking hamon para sa kaniya ang pagko-commute papasok sa paaralan sa gitna ng matinding init.
Dagdag pa ni Siapno, isa rin sa kaniyang mga diskarte ang pagdadala ng portable mini fan upang kahit papaano ay maibsan ang init habang nasa biyahe at nasa paaralan.
Sa kabila ng matinding init na nararanasan, patuloy namang naghahanap ng paraan ang mga estudyante upang makasabay sa kanilang pag-aaral habang pinangangalagaan ang sariling kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
**










