Mga estudyante sa London, nagsuot ng palda para makaiwas sa init ng panahon

397

Manila, Phlippines – Nagsuot ng palda ang mga lalaking estudyante ng ISCA Academy sa London matapos makaranas ng matinding init ng panahon na umabot sa 30 degrees celcius.

Ayon sa mga guro, humingi ng pahintulot ang mga batang lalaki kung maari ba silang magsuot ng palda ngunit hindi sila pinayagan ng pamunuan ng paaralan.

Nagulat na lamang kinabukasan ang mga empleyado ng paaralan na may 30 estudyante ang nakasuot na ng palda.


Ayon sa mga estudyante, masarap umano sa pakiramdam ang pagsusuot ng palda dahil naiibsan ang init na kanilang nararamdaman sa katawan.

Nabatid na huling naramdaman ang init ng panahon sa London noong 1976.

Facebook Comments