Mga estudyanteng may kulang pa sa kanilang bayarin sa PLM, papayagan pa rin makapag-enroll

64

Papayagan ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) na makagpag-enroll ang mga estudyante sa first semester ng Academic Year 2020-2021 kahit pa mayroon silang kulang sa bayarin o unpaid fees.

Nabatid na inaprubahan ng Board of Regents ng PLM ang pagbibigay ng isang taong palugit sa pagbabayad ng tuition fees at iba pang bayarin ng mga estudyante sa second semester ng Academic Year 2019-2020.


Ito’y dahil na rin sa naranasang krisis ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay University President Emmanuel Leyco, nais nilang mabawasan kahit papaano ang paghihirap ng mga magulang ng kanilang mga estudyante lalo na’t lahat ay apektado dahil sa COVID-19.

Napag-alaman din na magpapatupad ang PLM ng blended learning strategies para sa susunod na school year kung saan ang mga faculty nila ay sasailalim sa pagsasanay at paggamit ng bagong teknolohiya upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante gamit ang virtual channels.

Umaasa naman ang pamunuan ng unibersidad na mabawasan ang mga pasanin ng mga magulang at makabalik na ang mga estudyante mula sa pagkaantala ng kanilang pag-aaral.

Facebook Comments