Mga evacuation center, dapat tiyakin na ligtas laban sa COVID-19

42
COURTESY: MPIO

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa mga Local Government Unit na tatamaan ng Bagyong Rolly na siguraduhing COVID-19 safe ang mga evacuation center.

Sinabi ni Go na ngayong mayroong malakas na bagyong pinaghahandaan ay tiyak na maraming residente ang mapipilitang lumikas kaya naman nananawagan siya sa mga LGU na tutukan ang seguridad ng mga evacuees.


Batid ni Go na maraming LGUs ang kapos na sa pondo dahil sa COVID-19 response kaya umaapela siya sa Executive at sa Budget Department sa pamumuno ni Secretary Wendel Avisado na tingnan kung paano pa mapag-iibayo ang pondo ng mga ito.

Nananawagan naman si Go ng dasal sa sambayanan para lumihis ang bagyo dahil masyado nang naghihirap ang bansa sa COVID-19 at sasabayan pa ng mga kalamidad tulad ng bagyo.

Facebook Comments