Mga evacuation center, sinimulan nang inspeksyunin ng pamahalaan bilang paghahanda sa tag-ulan

Nagsimula nang kumilos ang Office of Civil Defense (OCD) para paghandaan ang paparating na tag-ulan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD spokesperson Dir. Chris Noel Bendijo, iniinspeksyon na nila ang mga evacuation center para alamin kung may kailangang kumpunihin sa mga gusali.

Ayon kay Bendijo, nakapagsagawa na rin ng command conferences para ma-imbentaryo ang mga kagamitan ng OCD.

Nakikipag-ugnayan na rin ang OCD sa mga provincial, municipal, at maging Barangay Disaster Risk Reduction Management para malaman ang kanilang pangangailangan.

Sa pamamagitan aniya ng pag-harmonize o pagtutugma ng contingency plans ay lalong lalakas ang partisipasyon ng pribadong sektor at bawat lokalidad sa pagtugon sa panahon ng sakuna.

Facebook Comments