Makatutulong para sa mga magsasaka sa Vigan, Ilocos Sur ang ibinigay na bagong mga makinarya mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Makikinabang sa apatnapung unit ng handtractor ang dalawampu’t-dalawang mga farmer association at isang fisherfolk association.
Magagamit na rin ang heavy-duty wheeled loader at excavator para sa isasagawang mga operasyon sa dumpsite, at makatutulong din sa rehabilitasyon ng mga palaisdaan at bukirin.
Kasunod ito sa adhikaing mas mapalakas pa ang sektor ng agrikultura, at matiyak ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa lungsod.
Samantala, inaasahan na mas palalawigin pa ang suporta sa nasabing sektor alinsunod na rin sa target na modernisasyon sa pamamaraan ng pagsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments