Mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 2,461

Nadagdagan ng anim na panibagong kaso ng mga Filipino sa abroad ang tinamaan ng  COVID-19.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 2,461 na mga pinoy mula sa 46 bansa at rehiyon ang tinamaan ng virus.

Sa nasabing bilang, 1,315 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.


Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng overseas Filipinos na naka-recover na umabot na sa 861.

Sumampa naman sa 285 ang bilang ng Pinoy sa abroad ang pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng isa.

Facebook Comments