Mga ginagawang quarantine facilities ng gobyerno, matatapos na

44

Inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force COVID-19 na konting panahon na lang ang bubunuin at magagamit na lahat ang mga ginagawang quarantine facilities para sa mga person under investigation (PUIs) dahil sa COVID-19.

Aniya, ang mga ginagawang quarantine facilities dito sa NCR ay ang World Trade Center, Philippine International Convention Center o PICC at Rizal Memorial Coliseum.


Sa Miyerkules ay magagamit na ang Rizal Memorial Coliseum na mayroong 130 beds at may tatlo hanggang limang doktor at 50 nars mula sa AFP medical center ang itatalaga.

Habang ang World Trade Center ay may kakayanang mag accommodate ng 500 pasyente na ngayon ay patuloy pa rin na inaayos maging ang PICC.

Tiniyak rin ni Galvez na maging sa mga probinsya ay mga itinatayo na ring mga quarantine facilities para pa rin may maayos na lugar ang mga PUI at PUM dahil sa COVID-19.

Facebook Comments